Mas paglago ng ekonomiya at mas pagkakaroon quality time sa pamilya, asahan sa pagtatapos ng Metro Manila Subway Project – PBBM

Screenshot from RTVM Facebook live

Aasahan ng mga Pilipino na sa pagtatapos ng Metro Manila Subway Project sa taong 2028 ay mas lalago ang ekonomiya ng bansa dahil mas marami ang magnenegosyo sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang talumputi sa isinagawang ground breaking ceremony para sa konstruksyon sa Ortigas at Shaw Boulevard Stations ng Metro Manila Subway Project sa Pasig City.

Bukod dito, sinabi rin ng pangulo na magkakaroon ng oras ang bawat Pilipino sa greater self-improvement at mas magkaroon ng quality time sa pamilya.


Mababawasan kasi ang travel time kapag nagsimula ang Metro Manila Subway.

Mula isang oras na biyahe mula Quezon City hanggang Manila Airport ay magiging 30 minutes hanggang 35 minutes na lang ito.

Dagdag pa ng pangulo, bagama’t magkakaroon ng pagkaabala sa konstruksyon ng subway ay dapat aniyang maging positibo ang pagtingin dito ng mga Pilipino dahil magreresulta aniya ito ng mas episyente at modern public transportation para sa mga Pilipino.

Nagpapasalamat ang pangulo sa Department of Transportation (DOTr), Official Development Assistance (ODA) program, Japan International Cooperation Agency (JICA) at sa Tokyu Construction Co., Ltd., Tobishima Corporation at Megawide Construction Corporation para maituloy na ang konstruksyon ng nasabing subway.

Facebook Comments