Binigyang diin ng Marcos administration ang pagiging bukas at kahandaan ng Pilipinas na tumanggap ng mga turista at investments.
Ito ang sinabi ni Department of Tourism (DOT) Sec. Christina Frasco sa press briefing sa Malakanyang sa harap ng direksyon ng pamahalaan na mas luwagan pa ang health restrictions.
Tinukoy ni Frasco na ang polisiya sa pagsusuot ng face mask na ngayon ay gagawin na ring boluntaryo sa indoor places ay kapareho sa ASEAN neighbors.
Inalis na rin ang RT-PCR requirements para sa mga hindi bakunadong dayuhan para mapagaan ang pag-biyahe sa Pilipinas at mas marami ang bumisita sa bansa.
Ayon kay ni Frasco, kumbinsido ang pangulo na ang pagluluwag ng restrictions ay magbibigay ng dagdag na oportunidad sa mga Pilipino para makabawi sa kanilang kabuhayan at pagkalugi noong kasagsagan ng pandemya.