MAS PAGTIBAYIN | Relasyon ng Pilipinas at China, lalo pang pagtitibayin – Malacañang

Manila, Philippines – Nagpulong sa Malacañang sina Pangulong Rodrigo Duterte at Meng Xiangfeng, miyembro gn Communist Party of China (CPC) Central Committee.

Aayon sa Malacañang, ipinaabot ng pangulo kay Meng ang kagustuhan at hiling ng mga Filipino na mas pagtibayain ang ugnayan ng Pilipinas at China.

Ipinunto rin ng pangulo ang bumubuting bilateral relation ng dalawang bansa.


Kabilang sa dumalo sa pulong ang iba pang miyembro ng CPC, Senate President Koko Pimentel, Energy Sec. Alfonso Cusi at Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella.

Nabatid na ang partido ng pangulo na PDP-Laban ang nag-imbita sa mga miyembro ng CPC.

Facebook Comments