MAS PAIIGTINGIN | Mindanao, sentro pa rin ng counter terrorism at counter insurgency operation ng AFP

Mindanao – Mananatili ang Mindanao bilang sentro ng counter-terrorism at counter insurgency operations ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon kay AFP Spokesman Bgen. Bienvenido Datuin – focus ng pamahalaan ngayon ang galaw ng mga komunista at terorista sa eastern at western Mindanao.

Gayunman, sinabi ni Datuin na lamang ang bilang ng mga miyembro ng New People’s Army sa kasalukuyan.


Kaugnay nito ay umapela si Datuin sa publiko na makipagtulungan para sugpuin ang mga kalaban ng estado.

Base sa kanilang hawak na records noong 2017, umaabot sa walong libo ang mga armadong miyembro ng CPP-NPA at 1,800 sa mga ito ang nakakalat sa Mindanao.
<#m_-9143994345332522707_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments