Mas pina tibay na samahan ng Filipino-Chinese Community!

Philippines,Baguio-Sa selebrasyon ng Chinese New Year sa Baguio City ay siniguro ng mga miyembro ng Filipino-Chinese Community sa lokal na gobyerno at mga residente nito ang kanilang walang sawang suporta para sa mga implementasyon ng mga aktibidad, programa at proyekto sa lungsod ng Baguio.

Nag abot ng pasasalamat si Peter Ng ang Chairman ng Chinese Lunar New Year organizing committee sa lokal na gobyerno dahil sa pag iinstitutionalized ng taunang selebrasyon ng Chinese New Year sa Lungsod.

Matatandaang ito lamang ay pinuri ni Mayor Mauricio Domogan ang mga Filipino-Chinese Community dahil sa kanilang patuloy na pagsuporta lalo na sa panahon ng kalamidad kung saan ay lagi silang nagpapaabot ng mga tulong sa mga residente.


Facebook Comments