Pinatitiyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary ‘Benhur’ Abalos Philippine National Police (PNP) na higpitan pa ang security measures para sa kaligtasan ng gunman ng radio journalist na si Percy Lapid.
Itoy kasunod ng biglaang pagkamatay ng middleman o contact ng gunman sa loob ng National Bilibid Prison.
Ani Abalos, dapat higpitan ang pagbabantay kay Joel Escorial dahil ito ang susi sa pagresolba sa Percy Lapid killing.
Nauna nang ipinahayag ng kalihim na dismayado ang ahensya sa sinapit ng middleman dahil nasayang ang lahat ng pinaghirapan ng PNP sa pag-iimbestiga sa kasong ito.
Gayunman, tiniyak ni Abalos na bagama’t makaapekto sa paglutas sa kaso ang nangyari, hindi nila pababayaang mauwi sa wala ang kaso ni Lapid.