Mas pinahusay na “war on drugs” ipapatupad ng PNP

Isusulong ng Philippine National Police (PNP) ang isang “improved” o mas pinaghusay pa na giyera kontra ilegal na droga.

Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang war on drugs ng nakalipas na Duterte administration ay nakatulong para itaas ang awareness o kamalayan ng publiko hinggil sa ilegal na droga.

Sa ngayon, pokus ng Pambansang Pulisya na pag aralan at ipatupad nang mas mahusay ang kampanya ng kontra droga sa ilalim ng administrasyong Marcos.


Kailangan aniya na hindi lang law enforcement ang tutukan, kundi maging ang rehabilitasyon at reintegration kasama na ang pagbibigay ng hanapbuhay sa mga dating sangkot sa ilegal na droga.

Binigyang diin pa ng PNP Chief na ang bagong kampanya ay magiging “unified effort” kung saan kasama ng PNP ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan, mga baranggay, at mga mamayan.

Matatandaang isa sa mga marching orders ni Azurin na palalakasin pa ng pamunuan ng PNP ang koordinasyon sa bawat barangay.

Dahil naniniwala ito na kilala ng mga barangay leaders ang kanilang nasasakupan kung kaya’t mas madaling masawata ang iligal na droga.

Facebook Comments