Manila, Philippines – Mas maigting na combat operation ang tutukan ng mga sundalo sa pagtatapos ng idineklarang unilateral ceasefire ngayong araw sa pagitan ng Communist Party of the Philippines (CPP) New People’s Army (NPA).
Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo, simula 12 midnight mamaya ay magsisimula na ang pinaigting na combat operations ng militar.
Ang idineklarang unilateral ceasefire ng Pangulo sa pagitan ng CPP-NPA ay nagsimula nitong December 23, 2019 hanggang January 7, 2020.
Sinabi ni Arevalo may tatlong paglabag ang NPA Army sa umiiral ceasefire, matapos ang ginawang pananambang sa mga sundalo na ikinasawi ng isa at pagkasugat ng anim pa.
Una nang sinabi ng AFP na ipauubaya na nila sa Malacañang ang mga desisyon kaugnay sa mga ginawang paglabag ng NPA sa umiiral na ceasefire.