Mas pinaigting na laban ng AFP sa Marawi, asahan sa papasok na linggo

Marawi City – Magiging mas madugo at seryoso ang bakbakan sa pagitan ng teroristang Maute group at tropa ng militar sa Marawi City sa susunod na linggo.

Ito ang iginiit ni AFP Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Carlito Galvez Jr. matapos nila makubkob ang ilan sa mga stronghold na lugar ng mga terorista.

Kasama rito ang pagkakabawi ng militar sa Mapandi bridge na isa sa mga mahahalagang area para sa mga terorista.


Dagdag pa nito na nasa 60 hanggang 70 pang terorista ang nakakabakbakan ngayon ng militar.

Paniwala ni Galvez nasa Marawi City pa rin ang lider ng mga terosita na sina Abdullah Maute at si Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon.

Facebook Comments