Pinagtitibay ng Local Health Board (LHB) ng Bayambang ang mas mahigpit na hakbang sa pagpapanatili ng kalinisan at pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa pagpasok ng 2026.
Binigyang-diin sa pulong ang pagpapatuloy at mas madalas na sanitation inspections sa mga food at non-food establishments.
Muling iginiit ng lupon ang pagpapatupad ng Sanitation Standard Rating Sticker (SSRS) bilang sukatan ng kalinisan at pagsunod sa regulasyon ng mga negosyo.
Inaasahang maglalabas ang LGU ng updated advisory na naglalaman ng mga kinakailangan bago mabigyan ng sanitary permit upang masiguro ang maayos at ligtas na operasyon ng mga establisimyento.
Ipinresenta rin ng Rural Health Unit (RHU) ang rundown ng kanilang mga natapos at nakatakdang programa para sa 2025, kabilang ang mga proyekto sa community health services at iba pang hakbang para mapabuti ang kalusugan ng mga residente.









