Mas pinaigting na pangangalaga sa mga coastal areas, itinutulak ng isang mambabatas

Manila, Philippines – Isinusulong ni House Deputy Majority Leader at Las Pinas Representative Camille Villar ang pangangalaga sa coastal areas ng bansa.

Layunin ng inihain nitong House Bill 3315 na magkaroon ng national integrated coastal management na may malaking epekto sa paglago din ng ekonomiya.

Sa ilalim ng panukala ay bubuo ng National Coordinating Committee on Integrated Coastal Management (ICM) na ang tungkulin ay lumikha at magpatupad ng national policy para matiyak ang sustainable development ng mga coastal at marine environment at resources.


Inaatasan naman ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magbigay ng insentibo sa mga Local Government Units (LGUs) na magpapakita ng exemplary performance sa pangangalaga sa nasasakupang coastal area.

Iginiit pa ni Villar na dapat mapalakas ang kampanya ng gobyerno sa coastal management upang maagapan ang unti-unting pagkaubos ng mga isda, pagkawala at pagkasira ng mga coral reefs at mangrove forests at ang problema sa pagtaas ng populasyon ng mga naninirahan sa may coastal area.

Binigyang diin pa ng lady solon ang balanse at malusog na ecosystem kaya dapat na maprotektahan ang marine wealth gayundin ang ating exclusive economic zone (EEZ).

Facebook Comments