Hot topic ngayon sa social media ang nagaganap na free agency deal ng trade para sa darating na conference ng NBA.
Tagumpay ang Brooklyn Nets sa ‘panliligaw’ ng tatlong batikang manlalaro ng nasabing liga upang mas lalong lumakas at tuluyan makamit ang inaasam na NBA championship.
Naunang naipabalita na pumayag pumirma ng four-year contract deal sila Golden State Warriors power forward Kevin Durant, Boston Celtics point guard Kyrie Irving at New York Knicks center DeAndre Jordan.
Kung pagsasama-samahin, $345 million o tumataginting na mahigit P20 billion ang ibabayad ng Nets sa NBA Superstars.
Tila nalungkot at nagtaka ang mga fans sa naging desisyon nina Durant, Irving, at Jordan. Pero aminadong excited sa kahihinatnan ng Nets ngayong season ng NBA.
The Bay Area Media was responsible for #KevinDurant‘s exit. #FACTS. #DubNation
— The Sly Show (@theslyshow) July 1, 2019
I’m crying… thanks for spoiling us @KDTrey5 https://t.co/t6khD9uNdk
— Jared Bush KBE (@dabushna) July 1, 2019
Can’t even be mad or hate @KyrieIrving for not staying in Boston.
— Victor Pavao (@vic_pavao) July 1, 2019
Hearing @KyrieIrving was talking to @KDTrey5 even before the Finals about joining him in Brooklyn.
— NetsDaily (@NetsDaily) July 1, 2019
There’s a new BIG 3 in the NBA, and they shine bright in Brooklyn! 👀
Kevin Durant. Kyrie Irving. DeAndre Jordan. pic.twitter.com/qn87JIHyUU
— iamjsabz (@jojosabz) July 1, 2019
Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na petsa kung kailan lalagda ang tatlo sa four-year million contract deals.