MAS PINALAKAS NA COVID VACCINATION, TULOY-TULOY SA LUNGSOD NG CAUAYAN

Cauayan City, Isabela- Sa layong mabakunahan ang lahat ng mga Cauayeñong pasok sa edad ng mga dapat na maturukan ng COVID-19 vaccine ay tuloy-tuloy ang ginagawang maigting na pagbabakuna ng mga kawani ng Cauayan City Health Office sa Lungsod.

Kaugnay nito ay muling hinikayat ang mga hindi pa nabakunahan kontra covid-19 o wala pang booster dose na magtungo sa mga vaccination sites para makatanggap ng bakuna.

Ngayong araw, August 8, ay mananatili pa rin ang schedule ng City Health Office 1 mula alas otso ng umaga hanggang alas dos ng hapon.

Sa araw naman ng Martes ay isasagawa ang bakunahan sa Barangay District 1 Community Center at Barangay Baringin Sur Community Center; sa Miyerkules ay magkakaroon muli ng bakunahan sa tanggapan ng CHO 1, Brgy District 1 Community Center at Brgy. San Fermin.

Sa Huwebes, August 11, 2022, magkakaroon din ng covid vaccination sa Isabela College of Arts and Technology o ICAT habang sa araw naman ng Biyernes ay may bakunahan sa Cauayan City hall, brgy San Fermin at sa tanggapan ng CHO 1.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay Nurse 1 Vianney Uy ng CHO 1, tumaas sa 91.72% ang mga fully vaccinated sa Cauayan City habang tumaas din sa 18% ang nakatanggap ng booster shots.

Nasa 940 na katao naman ang natitirang bilang ng kinakailangan pang mabakunahan para makamit ng Lungsod ng Cauayan ang target na 112,572 na mabigyan ng kumpletong bakuna.

Samantala, sa booster dose naman ay bahagya ring tumaas sa 18 percent mula sa 15 percent ang naturukan ng booster shot para sa 50% na target population sa Lungsod.

Facebook Comments