Mindanao – Palalawakin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang passport
services nito sa Mindanao.
Ito ay sa pamamagitan ng pagbubukas ng 2 consular offices.
Ayon sa DFA, magbubukas sila ng kabuuang 8 consular offices sa buong bansa
at 2 nga dito ay itatayo sa Misamis Occidental habang ang isa naman ay sa
Tagum Davao del Norte sa bahagi ng Mindanao.
Maaari itong magproseso nang hanggang sa pitumpung libong passport
application ng mga mamamayan sa hilaga ng Davao City.
Nasa proseso na ang kagawaran sa pagkuha ng mga tao na mangangasiwa sa
itatayong bagong consular offices.
Ang tanggapan sa Tagum City ay inaasahang bubuksan sa Hulyo ng tang
kasalukuyan.
Samantala, umaabot sa 4,300 passport applicants ang napagsilbihan ng
passport on wheels na ginanap kamakailan sa Davao recreation center.