Binuksan na sa mga motorista ang mas pinaluwag na bahagi ng Bulacan Arterial bypass road sa San Rafael, Bulacan.
Pinalawak na ito sa four lanes mula sa dating 2 lane road para tugunan ang lumalaking volume ng trapiko o may kabuuang lawak ngayon na 9.97 kilometro.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan na sinimulan ang proyekto noong 2020 sa tulong ng bansang Japan pero dahil sa ilang mga hamon tulad ng pandemya ng COVID-19, problema sa right of way, limitadong pondo at iba pang dahilan ay naantala ang konstruksyon nito.
Ang proyektong inaasahang makapagpasigla ng iba’t ibang industriya at pagdami ng mga turista sa mga bayan na sasakupin ng bypass road tulad ng Balagtas, Guiguinto, Plaridel, Bustos at San Rafael.
Ang pagbubukas ng bypass road ay pinangunahan nina Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo at DPWH Sec. Manuel Bonoan.
Kasama rin si Japanese Ambassador Kazuhiko Kashikawa, Japan International Cooperation Agency (JICA) Chief Representative Takema Sakamoto, at iba pang mga opisyal ng gobyerno at LGUs.