Mas pinalawak na “Kalinga sa Maynila”, isinasagawa ng Manila LGU

Ikinakasa ngayon ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mas pinalawak na “Kalinga sa Maynila”.

Isinasagawa ito sa kanto ng Tomas Mapua St., at Remegio St., para maserbisyuhan ang mga residente ng Brgy. 326, 328 at 330 sa Sta. Cruz, Manila.

Nagsimula ang Kalinga sa Maynila ng alas-8:00 ng umaga at magtatagal ng alas-5:00 ng hapon.


Ilan sa mga serbisyo rito ay COVID-19 vaccination, medical consultation, basic medicines, deworming at rabies vaccination.

Meron din civil registry, tricycle/parking registration, at registration ng PWD/solo parent/senior citizen ID.

Magsasagawa rin ng clearing/flushing operations kung saan may water/electricity/building permit inquiries, notary services at police clearance.

Isa rin sa ikakasa sa Kalinga sa Maynila ang job fair sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO) Manila.

Ilan sa mga tanggapan ng Manila City Hall na mangunguna rito at ang Manila Traffic and Parking Bureau, Department of Public Services-Manila, Department of Engineering and Public Works, Manila Police District, Manila Barangay Bureau, Manila Civil Registry Office, City Legal Office Manila Health Department at iba pa.

Facebook Comments