Aarangkada muli sa Lunes, September 13 ang libreng sakay para sa mga health care worker, medical frontliners, at Authorized Persons Outside of Residence (APOR).
Ito’y sa ilalim ng second phase ng Service Contracting Program matapos na pondohan ito ng P3-B sa ilalim ng General Appropriations Act 2021.
Mas pinalawig pa ang programa dahil sakop na ang buong bansa na kung dati, limitado lang ito sa Metro Manila, ngayon ay sakop na ang mga rehiyon.
Umabot ng 31.6 milyong Pilipino ang tumangkilik sa Libreng Sakay habang nakapagbigay naman ng halos P1.5 billion total payout ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga operator at mga tsuper na lumahok sa programa.
Nasa P3.388 billion naman ang inilaan para sa payouts ng mga operator at tsuper na lumahok sa programa.