Mas pinalawak na vaccination program, magpapatuloy sa gitna ng banta ng COVID-19

Patuloy na isusulong ng bansa ang expanded immunization para sa mga bata sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naaabot pa rin ng mga DOH personnel ang mga benepisyaryo sa pamamagitan ng alternative strategies.

Aniya, umiikot sa komunidad ang mga health workers para sa immunization.


Nagsasagawa ng scheduling ang mga health centers para maiwasan ang pagdagsa ng mga tao.

Binigyang diin ni Vergeire na mahalagang mapabakunahan ang mga bata, mayroong pandemya o wala dahil bahagi ng essential services ang immunization.

Facebook Comments