Manila, Philippines – Pinalawig pa ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) hanggang Mega Manila ang kanilang Oplan ‘Tanggal Bulok, Tanggal Usok’ na uumpisahan ngayong araw.
Ayon kay I-ACT Task Force Alamid Head, General Manuel Gonzales ang mga pampasaherong jeep sa Cavite, Laguna, Bulacan at Antipolo, Rizal ay sasailalim na rin sa inspeksyon.
Paliwanag ni Gonzales karamihan aniya ng mga nagtatrabaho sa Metro Manila ay galing sa mga nabanggit na mga probinsya.
Sa ilalim ng kampanya, halos 80% ng mga jeep ang bumagsak sa inspeksyon kabilang na ang pagbuga ng sobrang maitim na usok, sirang gulong, hindi gumaganang ilaw, dispalinghadong preno at delikadong wirings.
Facebook Comments