Mas pinatinding drug war, suportado ng liderato ng senado

Suportado ni Senate President Tito Sotto III ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas patindihin pa ang giyera laban sa ilegal na droga .

Lalong suportado ni Sotto ang pagpapa-igiting ng pagtugis sa mga drug pushers.

Pero giit ni Sotto, dapat matiyak na naaayon sa batas ang anumang hakbang kontra ilegal na droga.


Gusto rin ni Sotto na mas tututukan ngayon ang rehabilitasyon sa mga drug users at pagpigil sa pagkalat pa ng ilegal na droga sa bansa.

Facebook Comments