Mas simpleng sistema ng pagbubuwis, isinulong sa pagdinig ng Senado

Manila, Philippines – Nagsagawa ng pagdinig ngayon araw ang Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni Senator Sonny Angara kaugnay sa tax reform program na isinusulong ng administrasyong Duterte.

Lumabas sa pagdinig ang tala ng Bureau of Internal Revenue noong 2014 na sampung porsyento lang o may katumbas na 31.04 billion pesos ang nakokolekta mula sa target na 358.5 billion pesos mula sa 517,668 na naitalang self-employed sa bansa.

Ang nakikitang ni Senator Angara na isa sa mga dahilan nito ay ang masalimuot na paraan ng pagbabayad ng income tax ng mga self-employed at professionals.


Isa rin sa napuna ni Angara ang kumplikadong tax rates na kasalukuyang nahahati sa pitong bracket o level at dumedepende sa annual taxable income ang babayaring buwis mula 5% hanggang 32%.

Si Senate Minority Leader Franklin Drilon naman ay ipinanukala sa pagdinig na gawing walong porsyento na lang ang flat rate ng lahat ng bracket.

Pero ayon kay Senator Angara, kailangan pa itong pag-aralan dahil baka pasanin naman ito ng mga negosyanteng mababa ang kita.

Facebook Comments