MASA 2023, pormal nang magsisimula ngayong araw

Aarangkada na ngayong araw ang Maritime Aviation Support Activity (MASA) 2023 sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Ayon kay MASA 2023 Public Affairs Officer Captain Jarald Rea, gagawin ang mga aktibidad sa area of responsibility ng Northern Luzon Command (NOLCOM), Western Command (WESCOM) at Visayas Command (VISCOM) na tatagal hanggang Hulyo 21.

Lalahukan ito ng 1,257 sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP), 1,445 sundalo ng Estados Unidos at 1,015 reservists.


Layunin ng MASA 2023 na mapahusay ang kakayahan sa pamamagitan ng joint at combined training at exercise para sa aviation related tasks.

Tampok din sa aktibidad ang pagpapalubog sa decommissioned na barko na BRP Lake Caliraya gamit ang US aircraft.

Facebook Comments