Masagana 150 at 200 na naglalayong mapataas ang rice production, ilulunsad sa Oktubre

Aarangkada na sa Oktubre ang target ng gobyerno na mapataas ang produksiyon ng bigas sa pamamagitan ng Masagana 150 at 200.

Sa post-State of the Nation Address (SONA) economic briefing, sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na target nilang makamit ang rice inbred production ng 7.5 metric tons kada ektarya.

Habang sa hybrid rice naman ay sinabi ni De Mesa na target na maabot ang 10 metriko tonelada kada ektarya sa ilalim ng nabanggit na programa.


Sinabi pa ng DA official na may mga intervention na rin silang gagawin para ma-digitalize ang nasa sektor ng pangingisda at magsasaka.

Ipatutupad aniya nila ang registry system sa nasabing mga sektor sa harap ng ipinupursige ng gobyerno na matulungan ang mga mangingisda at magsasaka sa bansa.

Facebook Comments