Masagana 99, planong buhayin ng bagong DA Secretary

Puntirya ng bagong Kalihim ng Department of Agriculture (DA) na buhayin ang Masagana 99.

Ito ay ang mga programa at proyekto sa sektor ng agrikultura noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ang ama ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., mag-uusap sila ni Isabela 1st District Representative Antonio Albano na nagsusulong sa Kamara na buhayin ang Masagana 99.


Naniniwala ang kalihim na sa pamamagitan ng programa, mas magiging matatag ang produksiyon ng bigas at maiaangat ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.

Target din ng DA official na i-modify ang mga batas upang palakasin ang paglaban sa smuggling, hoarding at price fixing ng mga agricultural product.

Nakatakda ring bisitahin ng kalihim ang mga lalawigan upang alamin ang sitwasyon at problema ng mga magsasaka at mangingisda sa buong bansa.

Facebook Comments