MASAHISTA SA URDANETA CITY, TIMBOG MATAPOS MAHULIHAN NG HIGIT 400K HALAGA NG SHABU

Nasamsam ng mga awtoridad ang tinatayang 442,000 pesos halaga ng 65 gramo ng hinihinalang shabu mula sa isang High-Value Individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation sa Urdaneta City.

Ayon sa ulat, nakuha ito sa kustodiya ng isang 54 anyos na massage therapist matapos ang operasyon ng awtoridad .

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments