MASAKER | Grupo ng mga magsasaka ng tubo, kinondena ang masaker sa Sagay City, Negros Occidental

Mariing kinondena ng National Federation of Sugar Workers (NFSW) Negros ang pag masaker sa siyam na magsasaka sa Hacienda Nene sa Sagay City, Negros Occidental.

Sa isang statement, sinabi ni Rolando Rillo, Chairperson ng NSFW, mga lehitimong mga magsasaka ang napaslang.

Aniya, kabahagi ang mga ito sa tinawag na bungkalan o land cultivation ng mga magsasaka sa mga nakatiwangwang na lupa sa probinsiya.


Ayon pa kay Rillo, nalikha ang Bungkalan dahil sa patuloy na kabiguan ng gobyerno na ipamahagi ang malalaking lupa na nasa kamay pa rin ng mga haciendero sa Negros Occidental.

Naniniwala ang grupo na ang paggamit ng brutal na pamamaraan ay may layuning maghasik ng takot sa mga magsasaka na ang layunin ay ipinaglalaban ang tunay na reporma sa lupa.

Tiniyak ng NSFW na hindi sila magpapasindak sa halip ay mas maninindigan sila na igiit ang paglansag na sa mga hacienda sa bansa.

Facebook Comments