MASAMA ANG LOOB | Kris Aquino, binanatan si Korina Sanchez sa pag-feature nito sa kaniyang show

Manila, Philippines – Binanatan ngayon ni Kris Aquino ang TV host na si Korina Sanchez at ang programa nito na “Rated K”.

Masama ang loob at tila hindi nagustuhan ni Kris ang ginawang pag-feature ng programa ni Korina tungkol kay James Yap sa asawa nitong si Michela Cazzola at ang anak nilang si Michael James.

Nabatid kasi na ipinalabas ang nasabing episode dalawang araw matapos maglabas si Kris ng sama ng loob tungkol sa kanyang dating asawa at sa pagiging pabaya daw nito sa kanyang mga responsibilidad bilang ama ni Bimby.


Say ni Kris, sampal diumano sa kanya ang ginawang feature ng programa ni Korina, na kaniyang tinawag sa instagram na “Misis ni Mar Roxas.”

Nagsisisi tuloy siya at tinulungan nila si Mar na i-endorso noong nakaraang presidential election kung saan ito pa daw ang igaganti sa kaniya.

Sinabi pa ni Kris na malinaw na sa kanya kung bakit si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanalo sa nakaraang eleksiyon.

Sa huli, nag-post pa si Kris ng picture sa isa niyang episode noon sa Kris TV kasama si Pangulong Duterte.

Facebook Comments