MASAMA ANG LOOB | Kris Aquino – wala raw magagawa kung ayaw patawarin ni Bimby si James Yap

Manila, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon, sa exclusive interview ni Cristy Fermin, nagkwento si Kris Aquino kung bakit nagkalamat muli ang relasyon nila ng ex-husband na si James Yap matapos na magkasundo sa custody kay Bimby.

Matatandaang nagalit nang husto si Kris kasunod ng video message ni James noong birthday ng kanilang anak.

Katwiran ni Kris, ni hindi nga raw nag-eeffort si James na makita ang kanilang anak kaya wala itong karapatan ng mag-post ng kahit ano tungkol kay Bimby.


Hindi rin daw niya maipilit kay bimby na patawarin ang kanyang ama lalo at tumatak na sa isip ng bata nang sabihan ito ni James na “magiging bakla” dahil puro bakla raw ang nakapaligid kay Kris.

May insidente rin daw na sinigaw-sigawan ni James si Bimby kaugnay ng pagkapanalo ng bata bilang most popular child performer sa 46th Guillermo Mendoza box-office para sa pelikulang Praybeyt Benjamin.

Ginawan daw niya noon ng speech si Bimby kung saan kasama sa pinasalamatan si James.

Pero habang magka-usap sa phone, diretsahan daw sinabi ni Bimby sa kanyang ama na kung siya lang ang masusunod hindi niya pasasalamatan si James dahil galit siya sa panloloko nito sa kanyang ina.

Dito na raw sinigawan at sinabihang walang respeto ni James si Bimby.

Facebook Comments