Maraming salik ang dahilan at nagreresulta sa pagpupuyat. Sa haba ng listahan baka hindi ka na rin makatulog. Bilang numero unong dahilan ng puyat, nariyan ang home works, requirements, deadlines, at social media. Sa 24 oras na mayroon ang isang tao sa isang araw, napaghahati-hati niya ang kanyang oras sa iba’t ibang aktibidad. Anu’t anopaman, gigising pa rin siya kinabukasan ng animoy pagod at parang walang tulog. Ang pagpupuyat ay may malaking epekto sa magiging araw ng isang tao. Ang kakulangan ng sapat na tulog ay maaring maging sanhi sa mas malaking problema.
Maaaring makaapekto sa mental at physical performance ng isang tao ang hindi maayos na tulog. Hindi magiging masaya ang araw ng taong nagpuyat. Ang pakiramdam ng lungkot, pagod, gutom, at antok ay naghahalo-halo na maaring maka-abala sa buong araw. Mahihirapan din ang taong kulang sa tulog na makagawa ng isang mahusay na desisyon o makalutas ng problema ng maayos. Hindi ito nakakabuti sa memorya. Mataas ang tyansa ng pagbaba ng productivity level at alertness level ng taong walang sapat na tulog.
Ang pagpupuyat ay hindi nakakaganda ng kutis. Pinahihina nito ang sistema ng imyunidad laban sa sakit. Madaling kapitan ng sakit ang mga taong laging nagpupuyat gaya ng hypertension at diabetes. May malaking epekto ang tulog sa timbang ng isang tao. Madalas rin na kakulangan sa tulog ang nagtatangay sa tao sa stress at depression. Kaya’t ngayon pa lang ay sanayin na natin ang ating sarili na magkaroon ng sapat at magandang tulog.
Article written by Leogene Bomitivo