MASAMANG EPEKTO | Pananatili ni CJ Sereno sa opisina, hindi na maganda sa institusyon

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacanang na hindi na maganda ang pananatili ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa korte suprema.

Ito ay sa harap narin ng Impeachment Complaint na kinakaharap ni Sereno pati na ang pagsasampa ng Quo Warranto Petition.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, naging unanimous ang desisyon ng mayorya ng mahistrado ng Korte Suprema na dapat ay mag indefinite leave si Sereno.


Kaya naman naniniwala aniya sila na ang pagkapit ni Sereno sa posisyon ay may hindi magandang epekto sa kanyang institusyon.

Pero binigyang diin din naman ni Roque na ipatutupad lamang ng Ehekutibo kung ano ang magiging desisyon ng kongreso sa Impeachment at ng Korte Suprema sa Quo Warranto Petition.
OFWs na paso na ang working visa o mga walang dokumento at mga overstaying.

Sa panig ng POEA, pinagkakalooban nila ang mga umuwing OFWs ng 5,000 Financial Assistance at P20,000 bilang Livelihood Assistance.

Facebook Comments