Manila, Philippines – Umabot na sa 14,096 pamilya na o katumbas ng 71,322 na indibidwal ang apektado dahil sa nararanasang masamang panahon sa bansa.
Batay sa pinakahuling monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sinabi ng ahensya na dahil sa pagbaha, inilikas na ang nasabing mga pamilya at pansamantalang nanunuluyan na sa kanilang mga kamag anak.
Sa kabuuan, aabot na sa 81 mga bahay ang tuluyang nasira habang 15 bahay naman ang bahagyang nasira ng Habagat na hinatak ng Bagyong Domeng.
Kaugnay nito ipinamahagi na nang Department of Social and Welfare Development at Local Government Units ang mahigit isang milyong pisong halaga para sa mga pamilyang naapektuhan ng masamang panahon.
Facebook Comments