Inihayag ngayon ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi na pinahintulutang makapaglayag ang mga sadakyang pandagat.
Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo na pinagbawal na ang paglalayag sa lahat ng uri ng sasakyang pandagat sa pantalan ng Cebu.
Sa report sa PCG Headquarters ni Captain Ronnie Gavan, ang District Commander ng Coast Guard Central Visayas mula alas 12 ng tanghali lahat ng barko at mga maliliit na bangka ay hindi na maaaring maglayag.
Upang nakatiyak na lahat ay susunod sa direktiba, nagpakalat na ng enforcement team sa pantalan at karagatan ang coast guard station sa Port of Cebu.
Layon nito na maiwasan ang mga sakuna at pagkakaroon ng casualty sa panahon ng kalamidad.
Facebook Comments