“MASAMANG TAO” | Pag-atake ni Pangulong Duterte sa Diyos, hindi pinalampas ni Sen. Trillanes

Manila, Philippines – Agad binatikos ni Senador Antonio Trillanes IV ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na istupido ang Panginoon.

Ayon kay Trillanes, kaisa siya ng sambayanang Pilipino sa paghahayag ng pagkamuhi sa pag-atake ni Pangulong Duterte sa Kristiyanismo at sa Diyos mismo.

Diin ni Trillanes, matinding kayabangan sa pagkakaroon ng kapangyarihan ang tila pag-akto ni Pangulong Duterte bilang Diyos at kawalan ng respeto sa pananampalataya ng iba.


Para kay Trillanes, masasalamin sa pahayag ni Pangulong Duterte ang panlilinlang, kawalan ng puso at kalupitan ng mga pinaiiral nitong polisiya.

Malinaw ayon kay Trillanes na ang Pangulo ay isang masamang tao.

Facebook Comments