Masambong Highschool sa Quezon City, napiling benepisaryo ng Global Filipino School (GFS) na hatid ng Globe Telecom

Quezon City – Sa layuning maipalaganap ang kapangyarihan ng Information and Communications Technology para sa makabuluhang 21st century learning, maswerteng napili ang Masambong High School sa Quezon City na benepisaryo ng Global Filipino School (GFS) ng Globe Telecom.

Ayon kay Miguel Bermundo, Manager ng Citizenship division ng Globe Telecom, Makikinabang ang Masambong High School ng kumpletong infrastructure support at ICT equipment tulad ng Globe Digital Learning Lab.

Ito ay mobile cart ICT na naglalaman ng gadgets composed of netbooks, tablets, and projectors powered na may kaakibat na superior internet connectivity.


Malaking tulong ito sa mga estudyante at mga guro na makasagap ng malawak na library of information na dati ay hirap nilang ma-access.

Mismong Department of Education (DepEd) ang nagmungkahi sa eskwelahan na masakupan sa programa ng Globe Telecom.

Sinaksihan din ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang turn-over ng GSF program.

Facebook Comments