Inirereklamo ng mga residente sa isang bahagi ng Brgy. Pantal ang hindi natapos na drainage canal na nagdudulot ng masangsang na amoy at abala sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Ayon sa isang concerned resident na naglahad ng reklamo sa IFM Dagupan, matagal na nilang hinaing ang kalagayan ng drainage na nagiging sanhi ng iba’t ibang problema.
insert interview Dagdag pa ng mga residente, ang maruming kapaligiran ay pinamumugaran na ng mga lamok, na pinaniniwalaang dahilan ng pagkakaroon ng mga kaso ng dengue sa lugar.
insert interview Dagdag pa ng mga residente, ang maruming kapaligiran ay pinamumugaran na ng mga lamok, na pinaniniwalaang dahilan ng pagkakaroon ng mga kaso ng dengue sa lugar.
Bukod dito, ang hindi natapos na konstruksyon ay nagiging sagabal sa mga tumatawid, lalo na sa mga senior citizen, buntis, at mga bata. Hindi kasi naayos ang daanan, na may mga butas at hindi nasementong bahagi.
Nakatakdang makipag-ugnayan ang himpilan ng IFM Dagupan sa mga kinauukulan upang alamin ang dahilan ng pagkaantala ng proyekto. Umaasa ang mga residente na agad na maaksyunan ang kanilang reklamo upang maibalik ang kaayusan at kalinisan sa kanilang lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









