MASANGSANG NA AMOY NG KAILUGAN SA DAGUPAN CITY, DAING NG MGA MOTORBOAT DRIVERS AT PASAHERO SA DAGUPAN CITY

Daing ngayon ng mga driver ng motor boat at mga pasahero ng island barangay sa Calmay, Dagupan City, ang masangsang na amoy na nagmumula sa kailogan ng lungsod.

Kapansin-pansin ang naglutangang mga isda o tabangungo kung tawagin sa Pangasinan, sa pampang at gilid ng mga kabahayan.

Ayon sa ilang bankero na nakapanayam ng IFM News Dagupan, isa umano sa nakikita nilang dahilan ang mas maalat na katubigan kaya umano namatay ang nasabing mga isda.

Hindi rin daw ito mula sa Calmay River at hinawi lamang ito ng hangin papunta sa mga kabahayan sa barangay.

Hiling naman ng mga pasahero ang sana umano’y paglilinis ng mga ito lalo na at hindi biro ang malalanghap na amoy sa paghihintay sa mga pampasaherong bangka.

Samantala, dagdag ng ilang residente, mas babaho umano ang ilog sakaling mas humupa o bumabaw ang ilog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments