Inirereklamo ngayon ng ilang mga residente partikular sa mga nakatira sa barangay islands ng Dagupan City ang masangsang na amoy ng kailugan dahil sa mga nagsilutangang mga isda o fish kill dulot ng pabago bagong kondisyon ng panahon ngayon.
Ang mga tangok o fish kill ay mga isdang namatay dahil sa kawalan ng oxygen na dulot ng mainit na araw at biglang mga pag-ulan.
Kadalasan sa mga lumulutang na mga isda ay napapadpad sa mga pampang ng mga kailugan sa lungsod, apektado lalo ang mga residenteng nakatirik ang kabahayan sa ilog.
Masangsang umano ang mga amoy ng mga isdang ito at minsan ay hinahayaan na lamang nila dahil kahit pa raw ilayo ang ito ay bumabalik pa rin depende pa sa direksyon ng hangin.
Nag-iingat din ang mga mangingisda sa lungsod upang maiwasan o kahit man lang magawan umano ng agarang aksyon kung mangyari lamang ulit ang nasabing insidente. |ifmnews
Facebook Comments