Masara landslide victims, nakatanggap ng donasyon mula sa militar

Inilaan ng mga kasapi ng 10th Infantry (Agila) Division ang kanilang 1 day subsistence allowance para makabili ng food and non-food items para sa Masara landslide victims.

Ang mga sundalo ay nag-donate ng tig P150.00 na ipinambili ng bigas, pagkain, water containers, hygiene kits at iba pa.

Agad namang idineliver ng 1001st Infantry (PAG-ASA) Brigade ng 10th Infantry division ang relief goods lulan ng KM250 Military Truck sa Masara Landslide victims sa kanilang Incident Command System’s Resource Cluster Center sa Nueva Iloco, Maco, Davao De Oro, nitong March 19, 2024


Nabenepisyuhan nito ang nasa 130 pamilya kung saan laking tuwa ng mga ito sa regalo ng mga sundalo.

Matatandaang sa nasabing landslide na nangyari noong February 7 sa Brgy. Masara, 90 katao ang nasawi habang nasa higit 30 katao naman ang naitalang sugatan.

Facebook Comments