Masarap na pizza sa presyong abot kaya, alok ng Pizza Dino – Guadalupe

53

Masarap sa presyong abot kaya.

Ito ang alok ng Pizza Dino – Guadalupe na perfect para sa pamilya, barkada at kung kakayanin, pwede rin na solong kainin.


Sa interview ng Business as Usual, ibinahagi ng owner nito na si Jelicia Mercado na bagama’t kasisimula pa lamang ng kanilang negosyo ay hindi siya pinanghinaan ng loob para simulan ito.

Ayon kay Mercado, sa isang araw ay mayroon siyang goal kung ilan ang magiging benta kung kaya’t kahit walang mga pumupunta lalo na sa tag-ulan ay nakakabawi naman sila sa delivery.

Samantala, matatagpuan ang Pizza Dino sa UNIMEC Supermart sa Brgy. Guadalupe Nuevo sa Makati City.

Facebook Comments