Masasayang araw ni Pastor Apollo Quiboloy, bilang na; Sen. Hontiveros, umaasa sa mabilis na ikadarakip ng pastor

Nagbabala si Senator Risa Hontiveros na bilang na ang mga masasayang araw ni Pastor Apollo Quiboloy matapos na ipagutos ng Davao Court ang pagpapaaresto sa lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Ayon kay Hontiveros, halos lahat na ng institusyon sa Pilipinas ay gumagalaw na para mapanagot siya at ang PNP-Davao ay nagpahayag din ng kahandaan na makipagtulungan sa ibang mga law enforcement agencies para sa ikaaaresto ng pastor.

Nanawagan ang senadora kay Quiboloy na huwag na itong mag-inarte at makipagtulungan na lamang sa mga awtoridad at sagutin na ang mga akusasyong ibinabato sa kanya.


Aniya, kung wala namang kasalanan ang pastor ay hindi naman nito kailangang magtago.

Umaasa si Hontiveros na dahil sa kautusan ng korte na ipaaresto na si Quiboloy ay tuluyan nang mahuhuli ang pastor at inaasahang makakaharap na ito sa susunod na pagdinig ng Senate Committee on Women patungkol sa mga reklamo ng iba’t ibang pangaabuso ni Quiboloy sa mga myembro ng KOJC.

Facebook Comments