MASAYA? | Office of Civil Defense Deputy Administrator for Operations Nicanor Faeldon, kuntento sa kanyang maliit na selda

Manila, Philippines – Bagamat maliit kuntento si OCD Administrator for Operations Nicanor Faeldon sa kanyang bagong selda sa Pasay city jail.

Kung maaalala inilipat si Faeldon kahapon sa city jail mula Senado makaraang ma-cite for contempt dahil sa pagtangging humarap sa pagdinig ukol sa tara system at paglusot ng 6.4 billion pesos na shabu galing sa China.

Ayon kay Atty. Jose Diño, tagapagsalita ni Faeldon masaya ang kanyang kliyente dahil naialis ito sa Senado


Ang sabi daw kasi ni Faeldon sakaniya, ay “He is with his own kind” ibig sabihin, kasama niya ang mga kapwa niya nakadinite. Dahil kung ikukumpara raw sa Senado, bukod sa sobrang higpit sa dalaw, ay pagkatapos ng visitation hours ay magisa na naman si Faledon.

Samantala, una nang tiniyak ng BJMP na walang magiging special treatment kay Faeldon.

Sa katunayan, ayon kay BJMP Spox Insp. Xavier Solda, maliit na kwarto o espasyo lamang ang ibinigay nila kay Faeldon, walang bintana at hiwalay sa ibang mga preso, dahil iniisip parin nila ang seguridad dito.

Binigyang diin ni Insp. Solda na itatrato nilang ordinaryong detainee si Faeldon at hindi sila ang magaadjust para rito.

Na-briefing na rin aniya si Faeldon hinggil sa do’s & dont’s sa loob ng city jail.

Ngayong araw, inaasahang ipapasok sa selda ni Faeldon ang ilan nitong gamit na dadaan sa tipikal na security measures.

Ang Pasay City Jail ay mayruong 997 inmates kung saan 830 percent ang congestion rate nito.

Facebook Comments