Masi Rizal Cagayan, Patuloy ang Security Patrol ng mga Sundalo!

Rizal, Cagayan – Patuloy pa rin hanggang sa ngayon ang isinasagawang Security Patrol ng kasundaluhan sa barangay Masi, Rizal Cagayan matapos ang naganap na sagupaan kamakailan sa pagitan ng 17th Infantry Battalion at New Peoples Army NPA.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Colonel Camilo Saddam, pinuno ng 17th IB, sinabi niya na iniikutan parin ng nasabing batalyon ang mga lugar na may napabalitang aktibidad ng mga grupong NPA.

Ang pagpapaabot ng taong bayan sa mga sundalo kaugnay sa mga aktibidad ng NPA sa lugar ay pagpapatunay umano na nagsawa na sila at naniniwala na sa suporta ng gobyerno.


Matatandaan na ang naganap na sagupaan sa pagitan ng 17th IB at grupong NPA sa Masi, Rizal Cagayan ay nagresulta ng positibong pagkakasabat ng mga kagamitan, dokumento at armas ng makakaliwang grupo.

Facebook Comments