“MASK FREE COUNTRY” MASYADO PANG MAAGA PARA IPATUPAD AYON KAY SECRETARY DIZON – PRESIDENTIAL ADVISER FOR COVID19 RESPONSE

Pinuri at pinasalamatan ni Sec. Vivencio Dizon, Presidential Adviser for COVID-19 Response ang ginagawang programa at pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya sa Rehiyon Uno kasabay ng pagsasailalim sa rehiyon at Dagupan City sa Alert Level 1.

Ito umano ay bunga na mababa ang kaos, kontrolado ang COVID at napakataas na vaccination turn out.

Binigyang diin din Sec. Dizon kasabay ng naging pagbisita nito sa Pangasinan upang pangunahan ang ‘Bida Tungo sa New Normal’ program, na malaki ang naging gampanin ng bayanihan ng mga Pilipino para maipanalo ang laban kontra COVID-19.

Kaugnay pa nito ay ipinaabot ni Dizon ang pasasalamat sa mga frontliners at medical support sa pangunguna sa paglaban sa pandemya at ang pagsasakripisyo para makapagbigay serbisyo sa publiko.

Ang pagtawid umano sa Alert Level 1 ng iba’t ibang lugar sa bansa,ay ang unang hakbang sa pagpunta sa Alert Level 1 sa new normal at ngayon pa umano ay ang pagbuo naman ng programa upang makabawi ang mga kabuhayan na lubhang naapektuhan ng pandemya.

Iginiit pa nito na masyado pang maaga upang sabihin at ipatupad ang pagiging “mask free” ng bansa bago matapos ang taon. Ang nararanasan umanong pandemya ay maihahalintulad sa isang bagyo na bagamat nasa mababang restrictions ay nasa paligid parin kung kaya’t hindi maaari ang magpakampante.

Sa huli sinabi nito na bagamat nasa mas maluwag na quarantine restrictions na ay kinakailangan parin ang pagsunod sa health protocols at ang panawagan nitong magpabakuna hanggang sa booster shots. | ifmnews

Facebook Comments