“Maskless Christmas”, nakasalalay sa mabilis na pagbabakuna – NTF

44

Nakasalalay pa rin sa mabilis na mass vaccination sa bansa ang pagkakaroon ng “maskless Christmas” ng mga Pilipino.

Sinabi ito ni NTF Against COVID-19 spokesperson Major General Restituto Padilla kasunod ng pahayag ni OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco na maaari nang tanggalin ang face mask pagsapit ng Pasko oras na makamit na ang herd immunity sa NCR Plus 8.


Ayon kay Padilla, kung magtutuloy-tuloy ang pagbabakuna ng hindi bababa sa 300,000 kada araw, tiyak na maaabot ng bansa ang population proteksyon pagsapit ng katapusan ng ikatlong kwarter ng taon.

Nagpasalamat naman si padilla sa mga pribadong sektor na aniya’y malaki ang naitutulong sa pagpapabilis ng vaccination program ng gobyerno.

Facebook Comments