“Maskless” na pagdiriwang ng Pasko, malabong makamit; 500k daily vaccination, target sa Agosto – Duque

Malabong maipagdiriwang ngayong taon ang Pasko na walang suot-suot na face masks lalo na at hindi pa sapat ang supply ng COVID-19 vaccines para makamit ang population protection para sa katapusan ng taon.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, huwag munang umasa na magiging “maskless” ang Pasko dahil hindi kontrolado ng bansa ang vaccine supply.

Paliwanag ni Duque, ang Pilipinas ay nangangailangan ng 25 million doses kada buwan para maabot ang population protection sa susunod na 140 araw.


Tantiya ng kalihim, maaaring makamit ang target na population protection sa unang kwarter ng susunod na taon.

Samantala, umaasa si Duque na maaabot ng Pilipinas ang daily vaccination target na 500,000 pagsapit ng Agosto.

Matatandaang naitalas ang pinakamataas na daily vaccination na nasa 375,059 COVID-19 vaccines.

Facebook Comments