Ayon kay DOH-ARMM assistant secretary for operations Dr. Zul Qarneyn Abas,
ang mass mobile blood donation activity ay isinagawa ng Department of
Health (DOH) – ARMM sa regional office nito dito sa Cotabato city.
Ang aktibidad ay bahagi ng National Voluntary Blood Service Program (NVBSP)
na nagpapalaganap ng boluntaryong pagbibigay ng dugo upang magkaroon ng
sapat na suplay ng ligtas na dugo.
Ang NVBSP ay alinsunod sa Republic Act No. 7719 (R.A. 7719) o National
Blood Service Act of 1994 na naglalayong maikintal sa isipan ng publiko na
ang pagbibigay ng dugo ay itinuturing na humanitarian act.
Ang implementation ng NVBSP sa ARMM ay sa pakikipagtulungan ng Cotabato
Regional Medical Center (CRMC) at sa suporta ng Local Government Units
(LGUs) sa pamamagitan ng kanilang Local Health Boards.