MASS DONATION DRIVE, ISINAGAWA NG RHU BAYAMBANG PARA SA GAGANAPING GRAND MEDICAL MISSION

Isinagawa ng Rural Health Unit ng Bayambang ang isang mass donation drive nitong Biyernes kung saan nakapag-ipon ang mga ito ng dugo para sa Grand Medical mission.
Nanghihikayat ngayon ang RHU Bayambang ng mga residente at kahit mga taga-ibang lungsod o bayan na makibahagi at magparticipate sa mga ganitong klase ng blood donation para makatulong sa mga nangangailangan ng dugo ngayon.
Nakalikom ng nasa higit siyamnapu o 96 na blood bags ang RHU sa naganap na blood donation drive kung saan malaki magiging malaking bahagi ito sa gaganaping Grand Medical Mission ng lokal na pamahalaan ng Bayambang at ng Pangasinan Provincial Government.

Magaganap naman ang naturang grand medical mission sa araw ng lunes, January 15, 2024 hanggang January 19, 2024. |ifmnews
Facebook Comments