Mass enrollment ng National ID, magsisimula sa kalagitnaan ng 2020  

Magiging ‘full swing’ ang pagpapatupad ng National Identification System sa kalagitnaan ng susunod na taon.

Ito’y kasunod ng pilot run ng registration para sa Phil I-D kahapon.

Ayon kay National Statistician And Civil Registrar, Usec. Dennis Mapa, magsisimula ang Mass Registration sa mid-2020.


Makukumpleto ang enrollment ng buong populasyon sa kalagitnaan ng 2022.

Dagdag pa ni Mapa, kailangan munang magsagawa ng serye ng mga pilot testing bago ito tuluyang ilunsad sa publiko.

Sinabi naman ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, aakuin na nila ang pag-iimprenta ng National ID.

Sa ilalim ng Philippine Identification System (PHILSYS), pag-iisahin na ang mga Government Id.

Ang mga nilalaman ng National ID ay PHILSYS Number, Buong pangalan, Facial image, Kasarian, Petsa ng Kapanganakan, Blood Type, at Address.

Facebook Comments