Mass gathering, itinurong dahilan ng pagkalat ng COVID-19 sa BARMM

Sinisi ng health ministry ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa mass gatherings ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Ayon kay BARMM Ministry of Health Director General Dr. Amirel Usman, malaking hamon sa kanila na mapigilan ang mga tao na iwasan ang social gatherings gaya ng kasalan at birthdays dahil marami pa rin ang hindi naniniwala sa COVID-19.

Isa rin aniya sa posibleng nakapagpapataas ng kaso ay ang pagpunta ng mga tao sa lamay ng kanilang kaanak o kakilala.


Paliwanag pa ni Usman, nakapagtala sila ng 12.6 percent na pagtaas ng kaso sa nakalipas na dalawang linggo.

Pinakamaraming kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lanao del Sur, sinundan ng Cotabato City, Maguindanao, Sulu, Basilan at Tawi-Tawi.

Facebook Comments