Mass gathering sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan bukas, bawal pa rin ayon sa PNP

Mahigpit na ipagbabawal ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasagawa nang anumang uri ng mass gathering, bukas June 12, 2020, ang ika-122 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng bansa.

Ayon kay PNP Chief Police General Archie, umaapela siya sa publiko na umiwas sa mga pagtitipon bilang pagsunod pa rin sa health protocol na itinakda ng gobyerno ngayong may COVID-19 pandemic.

Aniya, hindi gaya ng mga nakalipas na pagdiriwang, simpleng seremonya lang ang gagawin sa Rizal Park sa Maynila, bukas.


Sampung tao lang aniya ang papayagan na lumahok sa commemoration rites, base sa guidelines ng Inter-Agency Task Force on COVID-19.

Ngayong taon, may tema ang Araw ng Kalayaan na “Kalayaan 2020: Towards a Free, United, and Safe Nation”.

Kaugnay ng pagdiriwang, magsasagawa nang sabayang flag raising ceremony ang PNP sa Camp Crame at lahat ng Police Regional Offices na dadaluhan ng limitadong mga PNP officers bukas.

Facebook Comments